Gaano kalaki ang maaari kong kitain?
Ang iyong potensyal na kita ay dumedepende sa dami, klase at haba ng mga nakuha mong pagsisiyasat. Ang mga klase at kung gaano kadalas ang pagsisiyasat na iyong nakukuha ay base sa pangangailangan ng kumpanya. Partikular na sa kung ano ang kampanyang kanilang pinatatakbo, kaya maaari kang makakuha ng marami isa isang buwan ngunit mas kaunti sa susunod. Ang tipikal na pagsisiyasat ay tumatagal ng 10 hanggang 30 minuto para matapos, at ang pagsisiyasat na nagbabayad ng pera ay karaniwang naggagantimpala ng $1 hanggang $10 o posibleng higit pa kada pagsisiyasat na matapos. Ang iba naman ay maaari kang bigyan ng gift certificate o isali ka sa isang sweetstake para sa pera o premyo.
Paano ako mababayaran matapos kong makilahok?
Karaniwa’y ikaw ay babayaran ng tseke matapos ang ilang linggo. Minsan, ang ibang pamamaraan ng pagkuha ng bayad tulad ng PayPal ay magagamit. Sa ibang pagkakataon, kung gift certificate o produkto ang insentibo sa pagsagot ng pagsisiyasat, matapos ang pagsagot ng pagsisiyasat, ang detalye ay ibibigay kung kailan o paano mo makukuha, o maipadadala sa iyo, ang iyong gantimpala.
Ang mga sumasagot ng pagsisiyasat ay maaaring makakuha ng matibay na ikalawang kita.
Katulad ng ibang oportunidad online, kinakailangan ng oras at pagsisikap upang makapagpalaki ng kita sa mga pagsisiyasat. Isa sa mga susi sa pagpapatakbo ng isang matagumpay na trabaho mula bahay, ay ang makapagtatag ng maraming pinanggagalingan ng kita. Ang bawat pinanggagalingan na ito ay maaaring kaunting dolyares lamang kada isang buwan, ngunit kung marami ito, makikita mo nalamang na ikaw ay may sapat nang pangalawang kinikita. Ang bayad na mga pagsisiyasat ay kayang makapagbigay ng nakasisindak na pinagmumulan ng kita, na patuloy na lalago kasabay ng iyong pagdami ng mga nalalaman tungkol dito at pagiging may karanasan dito.
Mas marami kang pagsisiyasat na sagutan o salihan, mas maraming pera ang iyong magagawa.
Hindi ito isang “libreng byahe” kung saan ikaw ay makakakuha ng “isang bagay para sa wala” – isa itong paraan kung saan maaari mong makapagtrabaho at makakuha ng pera na may kalayaan sa kung kailan o kung saan mo gustong magtrabaho. Ang bilang ng mga pagsisiyasat na iyong sasagutan ay dumedepende sa bilang mga kumpanyang ikaw’y nagpa-rehistro, bilang ng impormasyon na iyong binigay sa kanila, at ang iyong personal na “profile.” Ang ibang pagsusuri ay masyadong ispesipiko, at hindi lahat ay “maaaring” makakuha ng bawat pagsusuri. Halimbawa, ang isang partikular na pagsisiyasat ay maaaring maging bukas lamang para sa mga babae na may edad 25-45 na nakatira sa Canada. Ang isang pagsisiyasat naman ay maaaring maging bukas lamang para mga lalakeng walang asawa na gumagamit ng cologne, at iba pa. Syempre, maraming mga pagsisiyasat ay pangkalahatan at kahit na sino ay maaaring sumagot nito. Sa huli, maraming oportunidad na makakuha ng pagsisiyasat para sa lahat. Hindi bale kung ikaw ay lalaki o babae, nakatira sa Amerika o hindi, isang estudyante sa kolehiyo o may trabaho, at iba pa. Walang nag-iisang “profile” na regular na nagkakwalipika sa mas maraming pagsisiyasat kesa sa iba.
Ang bilang ng pagsisiyasat na nasagot, at ang kita na nakuha ay magdedepende kung ilang oras o gaano mo pinagsikapan ang mga pagsisiyasat.
Ang karaniwang kita buwanan ay magdedepende sa bawat indibidwal at ang pagsisikap na ibigay nila dito. Ang tao na tinitignan ang kanyang email ng mas madalas at mas mabilis sumagot sa mga pagsisiyasat, o pumapasok sa lugar ng mga miyembro para tignan kung anong bagong mga pagsisiyasat ang bukas ay walang alinlangang makakakuha ng mas higit kaysa isang tao na pumapasok lamang ng isang beses sa isang araw. Ang kita ay dumedepende lamang sa pagsisikap at atensyon sa sa mga alok na pagsisiyasat ng isang indibidwal. Marami sa mga tao ay nagiging panelist upang ipamahagi ang kanilang opinyon kabilang na rin ay makakuha ng bayad para sumagot ng mga pagsisiyasat online. Ang pagsagot sa mga libreng may bayad na online na pagsisiyasat sa iyong libreng oras ay isang magandang paraan para kumita ng karagdagang pera at mas masaya pa ito kumpara sa ibang pamamaraan ng pagkuha ng pera online dahil wala kang dapat bayaran dito ngunit ikaw ay makakakuha ng bayad sa pagsagot ng mga online na pagsisiyasat na may bayad, iyan ay 100% Libreng pera.
Kung ito ay bigyan mo ng kaunting oras at pagtrababuhan, ikaw ay makakagawa ng magandang pinagkukuhanan ng kita.
Maging makatotohanan sa pagkamit ng iyong mga layunin at huwag umasang magiging mayaman ng mabilis. Ang mga online na pagsisiyasat ay hindi pamamaraan ng pagkuha ng mabilisang kita, ngunit maaari mong galingan upang kumita ng karagdagang panggastos na pera (premyo at gift cards din), kung ikaw ay sasali sa maraming kalidad na mga kumpanya sa pananaliksik. Ang pagsisiyasat ay isa pa ringsulit na paggamit ng iyong oras.
Ang karanasan ng bawat isa ay naiiba.
Wala sino man sa amin o kahit na sino ang makapagsasabi sa iyo kung ilang pagsisiyasat ang kaya mong gawin o kung magkano ang kaya mong kitain. Ang aming maipapayo kung ikaw ay interesado dito ay, bigyan mo ito ng subok at tignan kung paano ito tatakbo. Wala namang mawawala sa iyo...